Kill Me With Your Love (COMPLETED)
33 parts Complete MatureSa murang edad ay nasaksihan na ng batang si William kung paano patayin at lapastanganin ang kanyang ate ng isang grupo ng mga kalalakihan. Wala siyang nagawa kundi ang umiyak habang karga sa taas ng puno ang sanggol na pamangkin. Ang tanging nagawa niya lang ay tandaan ang pagmumukha ng mga lalaking 'yun.
Lumipas ang ilang taon, nakahanda na siyang maghiganti. At sa kanyang paghihiganti, isang babae ang magdurusa sa kanyang mga kamay.
Ngunit hanggang saan nga ba siya dadalhin ng kanyang paghihiganti kung ang kanyang galit na puso ay bigla na lang lalambot sa bunsong anak ng kanyang gustong paghigantihan.
Paano niya mapagtatagumpayan ang paghihiganti kung hahadlangan siya ng kanyang baliw na puso?
Hanggang saan niya lalabanan ang kanyang nag-aapoy na damdamin para makamit ang katarungan ng nakaraan?
Mas pipiliin niya ba ang inaasam na katarungan? O susundin kung ano ang tinitibok ng kanyang puso?
At ano nga ba ang mas matimbang?
Paghihiganti o pag-ibig?
R18+
Warning: Mature content, may violence. So please kung ayaw mo sa mga ganito, wag mo nang basahin!