Noong unang panahon ang daigdig ng mahika na tinatawag na Alphoma ay namumuhay ng tahimik at sagana. Laganap ang kapayapaan sa bawat nasyon. Namumuhay ng masaya ang mga tao. Subalit ang payapa at masayang buhay na yon ay nawala ng parang bula simula nung dumating si Haring Aarnio, ang hari ng kadiliman. Lumaganap ang kasamaan sa Alphoma. Naghirap ang mga nasyon, maraming nasira, maraming nasaktan. Rinig ang bawat iyak ng mga tao na nag papahiwatig ng hinagpis, hirap at sakit. Nawala amg kasaganaan pati narin ang kagandahan. At ang huli nawala rin ang balanse. Nagalit ang mga dyos at mga dyosa. Nakarating sa kanila ang mga karumal dumal na mga pangyayari sa daigdig. Dahil doon nag sugo sila ng isang tao na tatapos ng kadiliman. Ang taong nasa propesiya o ang nakatakda. __________________________________ Date started:feb 5,2019 Date end:All Rights Reserved