"You're blind," Edward muttered almost to himself, shame washing over his body like a cold bath. Biglang humupa ang galit sa kanyang katawan at para bang siya'y nahilo. "Salamat sa pa-memo, ha? Hindi ko kasi alam!" May galit na sabi ng babae. "Black belter ako kaya wag na wag mong susubukan pang pumasok." "Shit...I-I'm sorry!" Nabubulol na sabi ni Edward. "Ano?!!" Tanong ng babae. Inilapit nito ang tenga na para bang hindi makapaniwala sa narinig. "Ha?! Nagsosorry ka? Nasa episode ba ako ng Wish Ko Lang na biglang ayaw mo na magnakaw kasi di mo pala kayang magnakaw sa bulag na walang kalaban laban? Nakakainsulto, kung alam mo-" "No, teka lang." Pagtigil niya sa sinasabi ng babae. "It's a misunderstanding, hindi kita ninanakawan. I'm taking three steps back. You're safe, okay? I can explain." Nanatiling nakanganga ang babae na para bang hindi pa siya sigurado kung nangyayari ba talaga ito. "Magpaliwanag?!" The girl screeched, too high pitched for Edward's liking. "Magpaliwanag kung pano ka biglang nakapasok sa loob ng apartment ko? Ay paktay na, gandang storya nito, I can't waaait to hear it."