Ito ay isang kwento ng dalawang magkababata na sina Jyra May Agpangan (Jai) at Alec Brandon Dungo (Alec). Simula bata pa ay sila na ang magkasama. Magkasamang naglalaro, nag-aasaran, nag-aawayan at nagkukulitan. Ang kani-kanilang pamilya ay matalik na magkaibigan sapagkat magkasosyo sa negosyo ang mga parents nila. Bawat meeting o pulong ng kanilang parents ay palaging present sina Jai at Alec.
Si Jai ay chubby, maputi, marunong kumanta at matalino sa school. Taliwas naman ito sa ugali ni Alec na isang makulit, payat, mapang-asar pero malambing. Para silang aso't pusa kung magkasama.
Sa pagdaan ng panahon ay nagkaroon na ng maayos na pag-iisip ang dalawa. Naging binata't dalaga na. Marunong ng mag-ayos sa kani-kanilang sarili. Pero sa ugali, consistent pa rin sila.
Nagkaroon ng trabaho, nakapag-isip isip, at natauhan na.
Hali na't ating tunghayan ang love story nina Jai at Alec.
Through The Years: A JaLec Love Story ♥
A/N: Sana po'y itong inyong magustuhan. Nag-try lang po ako. Magbigay lang po kayo ng mga kumento, negatibo man o positibo, para naman ma-improve ko ang aking craft sa pagsulat. Salamat po ng marami. ☺