Bakit siya tinatawag na "The Unnatural Girl"? Deanice Antero, isang babae na binabalot ng misteryo. Walang nakakakilala sa kanya ng husto dahil dapat panatilihin niyang maging tahimik at ilag sa mga tao. Oras na may lumapit o makipag-usap sa kanya ay siguradong kadena at latigo ang matitikman niya. Higit sa lahat ay may nanganganib na buhay. Ang tanging hiling lamang niya ay lumabas ang katotohan pero paano niya gagawin iyon kung tinatakutan siya at wala siyang malapitan? Hindi niya alam kung bakit siya nakakagawa ng isang bagay na di nagagawa ng iba, laging may dugo pero sa dalawang nangyari sa kanya ay masasabi niyang hindi siya ang may gawa. Pero ang tatlong tinatakutan niyang mangyari muli sa kanya ay sana hindi maulit... ayaw niyang magalit pa o may mapahamak. Naghihintay siya sa tamang panahon hanggang sa makilala ang lalaking magpapabago ng buhay niya. Ang lalaking hindi niya akalain na handang tumulong at umisip ng paraan para sa kanya, naniniwala itong walang mali sa kanya. Pinagkatiwalaan niya ito. Kahit siya ay hindi alam kung bakit nangyayari sa kanya ang mga bagay na iyon. Sa habang tumatagal ay di niya lubos akalain na mapupunta sa pag-iibigan ang nadarama ng dalawa at... hindi siya makapaniwala na may nakaraan ito na di mo paniniwalaan.Tutti i diritti riservati