Isang babaeng nagngangalang Vianara Tralix Heige na galing sa mayamang pamilya ang pinapangarap ng kalalakihan sa taglay nitong kagandahan, talento at kagalingan. Ngunit isa rin siyang palaban. Kapag inunahan mo sa away, talo ka. Dahil itinatak niya sa kanyang isip at puso na "Kapag Sinimulan Mo Ako, Paniguradong Luhaan Ka Sa Pag-Uwi Mo!" Ngunit paano kung mayroon pala siyang nakaraan na hindi niya kayang malimutan? Nakaraan kung saan di na siya lumaban. Nakaraan kung saan siya'y naging luhaan. At nakaraan kung saan ang pinakamamahal niya ay ang tao ring sobrang nakasakit sa kanya? Kakayanin ba niya kung ipagtagpo muli ng Tadhana ang landas nilang dalawa? O pilit niyang babalewalain 'yon? Eh paano kung may isang lalaki na dumating sa buhay niya noong panahong naging matigas na ang puso niya at sarado na para magmahal pa? Lalaki na tinitiis ang mga sakit na dinudulot ni Vianara sa kanya? Na kaunting salita lang niya barado agad siya? Lalaki na sobra-sobrang magmahal. At paano kung pareho sila ng nakaraan at malaman nila ang tunay na pangyayari sa likod ng mga kasalanan ng nakaraan? Kakayanin kaya nilang mawasak muli ang kanilang puso at katauhan? O iiyak na naman sila na para bang wala nang kinabukasan? I Love You Dangerously
1 part