Blyth..iyan ang pangalan niya. Para sakanya,mas maganda raw ang imahinasyon kaysa sa reyalidad.Sa kadahilanang mas masaya ang mundo dito.Hindi ka makakaranas ng sakit dahil ikaw ang may hawak sa imahinasyon mo.Iiyak ka ngunit hindi dahil sa pighati,kung hindi dahil ay sobra pa sa sobra ang saya na iyong madadama. Hindi man kapani-paniwala,pero sa buong buhay niya,doon siya nakatira.Noong una,wala siyang kaide-ideyang peke pala ang mundo na ginagalawan niya.Nilinlang siya ng sariling isipan at emosyon.Hanggang sa nalaman niyang may sakit siya.Isang mental disorder kung saan gumagawa siya ng sariling masayang mundo para makaiwas sa kanyang malungkot at masakit na reyalidad. Ngunit sinong mag-aakala na itong ating bida ay maiinlove pala sa isang lalaking galing sa pekeng mundo?At ang mas nakakagulat pa,kamukha nito ang taong kinaiinisan niya sa reyalidad.
61 parts