Naranasan mo na bang umasa, masaktan at iwan? Paano kung yung sakit na nararamdaman mo ay sobra-sobra na? Yung tipong gusto ng sumabog pero di mo magawa. Hindi mo magawa hindi dahil kaya mo pa kundi dahil alam mong sa pagsabog noon ikaw lang ulit ang masasaktan, ikaw lang ulit ang masusugatan.
Si Migz sawang-sawa na siya masaktan, ayaw na niyang iaasa ang kaligayahan niya sa ibang tao, hindi siya naniniwala sa kasabihang, no man is an island dahil para sa kanya mas sasaya siya kung siya lang mag-isa.
Pero ang buhay ay puno ng probabilities, maraming posibleng mangyari, mga pangyayaring pilit iniiwasan ni Migz hanggang makilala niya si Gabrielle.
Si Rielle ay isang babeng punong-puno ng pag-asa, sa unang tingin aakalain mo perpekto ang kanyang simpleng buhay, pero sa likod ng kanyang mga ngiti ay naroon ang kakulangan, kakulangan na pilit niyang pinupunan.
Sa kanilan pagtatagpo, maraming masasaktan, maraming mahihiwagaan at maraming magtataka kung bakit ang mga tulad nila ay hindi naging masaya sa buhay na inaasam ng iba.All Rights Reserved