Maagang namulat si Nyke sa mga biro ng tadhana. Iniwan siya ng kanyang tiyahin sa isang ampunan kungsaan niya nakilala ang lalaking unang nagpapabilis sa tibok ng kanyang puso. Si Xandr. Akala niya ito na ang magiging sandalan niya pero iniwan din siya nito. Gumuho ang mundo niya. At noong inisip niyang wala ng pag-asa sa buhay, natanto niyang hindi pala siya nag-iisa. Nasa paligid lang niya at nakaantabay ang isa pang nilalang na handang sumalo sa kanya di man nito magiging pag-aari ang kanyang puso. Ang lalaking kahit paulit-ulit niyang dinudurog ay nanatiling kakampi niya laban sa lahat ng hamon ng buhay.