Maraming misteryo nagaganap sa panaginip at puno ng katanungan.
Naguguluhan ka ba na tila kilalang-kilala mo ang taong nasa panaginip mo? Pero nung nagising ka ay nakalimutan mo yung muka nito kahit pangalan?
Nagagawa mo bang ipag-patuloy ang mga panaginip na naputol?
Nagulat ka ba na minsan yung lugar na nakita mo sa panaginip ay iyon at yun parin ang nakikita mo kahit ibang scenario?
Nasubukan mo na ba tumakbo ng sobrang bilis sa panaginip mo?, umiyak?, nalungkot?, natawa?, kaya nung pag-gising mo ay madadatnan mo na lang ang mutang nanigas o luhang pumatak sa gilid ng iyong mga mata?, paghingal ng malalim galing sa iyong pagkakatulog?, sobrang sawi ang damdamin dahil sa panaginip? O mga ngiting hindi maalis sa iyong labi dahil sa ganda ng panaginip?
Interesado ka ba sa panaginip mo?
Handa ka na ba balikan ito muli?
Mga paglalakbay na hindi na tapos?
Mga pangyayaring gustong balikan?
Halika at silipin natin muli ang panaginip na puno ng hiwaga.Todos los derechos reservados