The Moon Knows

The Moon Knows

  • WpView
    Reads 73
  • WpVote
    Votes 0
  • WpPart
    Parts 5
WpMetadataReadMatureOngoing
WpMetadataNoticeLast published Fri, Mar 8, 2019
WpInfo
Fiction
Romance
And he held my hand, touched my face and I can see him slowly disappearing within the moonlight. He smiled at me, a smile whispering goodbyes and sadness. I tried to hold him tighter and I can't... Binura ko ang parteng 'yun at nag-isip ng mas magandang eksena para sa pinakamalungkot na parte ng kwento ko. Sinubukan ko ulit dugtungan pero agad ko ring binura dahil parang hindi 'yun ang tamang mangyari. Dimitri, ang bidang lalaki sa kwento ko, paano ko mapapasaya ang kwentong binuo ko para sayo? Puro na lang malulungkot na pangyayari ang mga ideyang pumapasok sa utak ko. Sinara ko na ang laptop ko at humigop ng kape ko. Napasulyap ako sa orasan at napabuntong-hininga nang makitang ala una na ng madaling araw. Nako. May exam nga pala ako bukas! Lumingon ako sa bintana at napakalma ng buwan ang puso ko. Nagpangalumbaba ako at tinuloy ang paninitig sa buwan nang makarinig ako ng kalabog sa baba. "Mama?" Walang sumagot. Baka guni-guni ko lang, siguro. Lumingon akong muli sa bintana at di sinasadyang mapasulyap sa babang parte ng bakuran namin. Napakunot ang noo ko. Tao ba yun? Tumayo ako para makita pa ng malinaw at nanlamig nang makitang may hawak na mga baril ang mga taong nakaitim sa baba ng bahay namin. Ang naalala ko na lang ay nawala ang lahat sa akin ng gabing yun. Mga magulang ko, buhay ko at sarili ko sa ilalim ng bilog na buwan na naging saksi sa lahat ng pangyayari. Whatever happened that night, I had forgotten and only the moon knows. Only the moon.
All Rights Reserved
Join the largest storytelling communityGet personalized story recommendations, save your favourites to your library, and comment and vote to grow your community.
Illustration

You may also like

  • His Sinful Desire (COMPLETED)
  • When Love Did Its All Duties (COMPLETED)
  • The Good Girl Turned Into A Cold And Heartless Mafia Queen [ Under Editing ]
  • Sana Ako Na Lang
  • I'M PREGNANT (COMPLETED)
  • Vampires: Pieces of Arca
  • Morning Star
  • A GOOSE'S DREAM - Pinoy M2M Story
  • RUTHLESS MAN OBSESSION ( COMPLETED )
  • Obsessive Desire (GXG)

'Synopsis' Nagaganap na ang pag tatapat ng buwan at ng araw dito sa mundo ng mga tao. Nilabas ko ang sandatang may kasangkapan ng pangil ng lobo na syang kikitil sa buhay mo para sa buhay ng prinsesang minamahal ko sa kaharian ng Ahsville Ito na ang tamang panahon matapos kong makuha ang loob mo ng ilang buwan Nakangiti ka habang palapit sakin, hawak mo ang tali ng aso na syang gabay mo sa iyong pag lalakad dahil hindi ka nakakakita Bumaba ang mga tingin ko sa labi mo, bakas ang saya mong tinutungo ang direksyon ko. May hawak ka ng Cake na syang handog mo sakin dahil ngayon ang kaarawan ko Naalala mo iyon gayong hindi ko naman binibigyang importansya ang kaarawan ko, ang sarap pala sa pakiramdam Nakatitig lamang ako sayo habang palapit kana sa direksyon ko kaya tinaas ko na ang sandatang itatarak ko sa dibdib mo Nanginginig ang mga kamay ko kasabay ang panlalabo ng paningin ko dahil sa luhang namumuo na sa unang pag kakataon ay naranasan ko Nasasaktan ako Hindi ko alam kung kaya ko Mahal ko si Selena, ang prinsesa ko. Ginagawa ko 'to para sa kanya, hindi ko nakakalimutan ang dahilan kung bakit ako narito, pero paano? Paano ko gagawin 'to kung nahulog ako sayo? Sa isang mortal na kagaya mo? Bagay na mali, malaking kasalanan ito sa mundo namin Kaya kinakailangan ko na itong gawin ng mas maaga para mawala na din itong nararamdaman ko sayo bago pa ito lumalim Nag unahan na ang mga luha ko sa pag patak ng tagpuin mo ang direksyon ko. Niyakap mo ako, alam mo talaga ang lugar kung saan lagi akong naroroon Nag punas ako ng luha bago mo pa ito mapansin, ngumiti ako ng pilit at sa huling pag kakataon ay pinag masdan pa kita 'Patawarin mo ako Natasha, mali ang inibig kita. Patawad......' -Ahswel Blacke

More details
WpActionLinkContent Guidelines