Noli Me Tangere Buod ng Kabanata 30 - Sa Simbahan Dito inilalarawan ni Jose Rizal ang kanyang pagtutol sa mapanlait at mahahayap na ugali ng mga prayle noong panahong iyon. Bagamat siya ay tumatangkilik sa relihiyon, hindi naman niya maatim ang mga kagaspangan ng pag-uugali ng mga prayle. Inilalarawan din ang matapat na pagtangkilik ng mga Pilipino sa relihiyong nakagisnan, kahit pa ang kapalit nito ay ang kanilang kabuhayan. Buod: Dinumog ng lahat ang simbahan kung kaya't nagsiksikan ang mga tao sa kabila ng init at iyakan ng mga bata. Bayad din ang misang iyon para sa kabanalan ng lahat sa halagang P250. Ang paniniwala noon ay mas mabuti ng magbayad ng mahal sa misa kaysa sa komedya sapagkat ang misa ay makapagdadala ng kaluluwa sa langit, samantalang impyerno naman sa komedya. Hindi naman sinimulan ang misa hanggat hindi dumarating ang alkalde mayor. Sinadya naman ng alkalde na magpahuli, upang higit na mapansin ng lahat. Nagsuot din ito ng limang medalya na sagisag ng kanyang tungkulin. Nang siya ay dumating, naghanda na ang lahat upang makinig sa pagmimisa ni Padre Damaso. Sinamantala naman ng Padre ang walang pakundangang paglibak sa pari na nagmisa kahapon, si Padre Manuel Martin. Ipinangalandakan ng mayabang na padre na higit siyang magaling magmisa kaysa Kay Padre Martin. Hindi ito nagsimulang mag-sermon hanggat hindi ito tapos makapag-mayabang.All Rights Reserved
1 part