The Silence Before the Scream (COMPLETED)
28 parts Complete May mga pangyayaring pilit nating kinakalimutan, ngunit sila mismo ang bumabalik-bitbit ang bangungot na iniwan nila sa ating isipan.
Sa isang lumang bahay na ngayon ay tahimik ngunit puno ng alaala, isang lihim ang patuloy na nagkukubli. Sa bawat halakhak ng bata, sa bawat pagaspas ng kurtina, may mga matang nakatingin-hindi nakikita, ngunit nararamdaman.
Si Daisy, isang simpleng dalagang walang muwang sa kababalaghan, ay malalagay sa gitna ng isang misteryo-isa kung saan ang demonyo ay hindi palaging may sungay at buntot. Minsan, nakaupo ito sa tabi mo, nakangiti, at may pangalang kilala mo.
Ito ang simula ng katapusan ng katahimikan.