Mahirap naman talagang mag-move on. Lalo na kapag sobra mong minahal yung tao na yun. Pero kapag hindi mo naman ginawa yung salitang 'to (move-on), ikaw ang mahihirapan, ikaw ang magdudusa. Kaya mahirap man, masakit man, nakakamatay man, kailangan mong gawin yan para sa sarili mo, kasi hindi 'yang bagay na yan ang dapat maging rason para sumuko, 'yan ang rason para mas hindi ka sumuko kasi gagawin ka niyang mas malakas at palaban. Sabi nga nila, madadapa ka muna bago mo matutunang tumayo. Masasaktan ka muna bago ka maging matatag. ♥♥♥