Best Friend ng Kuya ni Mia si Darwyn na syang matagal na nyang sinisinta, since high school ay ito na ang ipinangako nya sa sariling magiging asawa nya pero dumating ang isang trahedya na nagpahiwalay ng kanilang landas.
Yung pangako nya sa sarili ay pinanghawakan nya hanggang sa bumalik si Darwyn galing Amerika ngunit malamig na sakanya ang binata. Naisip nya tuloy na by hook or by crook ay gagawa sya ng paraan maikasal lang dito at nag tagumpay naman sya.
Secret Wife nga lang ang papel nya. Walang ibang makakaalam kung hindi ang malalapit lang sakanya at bawal din syang mag demand. Pano nga ba nya maibabalik sa dati si Darwyn at paano sya nito matututunang mahalin kung kada makikita sya nito ay itinataboy sya nito at tila inis na inis na asawa sya nito.
Sundan ang istorya ni Mia na nagmahal sa isang lalaking hindi naman sya mahal. Hanggang kailan kaya nya kayang tumagal at magmahal??
11/19/14