Devastated Series #1 Nagising na lang si Astrid Kei Torres na nakatayo na siya sa tapat ng Gym at may balak na gawin-hindi, utos iyon nang magaling niyang kaibigan sa school. Balak na niyang magtapat sa kanyang Irog. Pero syempre, hindi pa rin niya maalis ang hiya at kaba. Pero, ba't pa ba siya uurong? Bumagsak ang mundo niya nang makuha nang lalaki ang "unang rejection" niya. Walang iba kun'di ang lalaking may dark brown na mata, na kaisa-isahang nagpapatigil ng tibok ng puso niya. Si Irog - August Cohle Monterez, ang matagal na niyang irog na captain ball ng Saint Paul, na maraming naghahabol na babae. At isa na siya doon. Ngumiti lang siya at hindi pinakita ang pagkaguho ng mundo niya sa simpleng rejection lang nito-hindi 'yon simple! Mahirap 'yon! Pero, bakit pa ba siya mahihiya kung pag-uusapan siya kinabukasan o araw-araw sa campus? She already transferred in UA! Hindi naman siguro aabot ang tsismis doon, hindi ba? Namumuhay na siya nang tahimik at siguro ay magiging boring na S.Y nang may tumayo sa harap niya't ngumiti. At nagbitaw iyon nang mga salita. "Hi." "Remember me, Ms. Kbye?"