Pangarap ni Musika ang musika. Iyon ang gusto niyang gawin sa buhay niya, ang tumugtog at kumanta. Pero paano mangyayari iyon kung ang sumusulat ng buhay niya ay hindi siya kung 'di ang umampon sa kanya? Gusto nitong maging abogado siya na napakalayo sa musika. Kaya lahat ginagawa niya, ma-sabotahe lang ang inang umampon sa kanya. Kahit pa magpa-sampal siya sa propesor niya. Pero ginawa na niya ang lahat ay hindi pa rin nagbago ang isip ng mama niya. Muntik na siyang sumuko hanggang tulungan siya ng isang lalaking kilala siya, pero hindi niya kilala. Nakaka-dalawang date na sila pero hindi pa rin nito sinasabi ang pangalan sa kanya. Kung hindi dahil sa connections ng mama niya ay hindi pa niya makikilala ang lalaking gustong tumulong sa kanya. Ang pangalan nito ay White. Kung gaano kaputi ang pangalan nito ay ganoon din kabuti ang budhi nito para tulungan siyang matupad ang isa sa mga pangarap niya, ang maka-kanta ng live at makapag-gig ng buong gabi sa isang bar. Si White ang gumawa ng lahat at lahat ay ginawa nito sa napaka-ikling panahon lamang. Mabilis tuloy silang nagkalapit ni White at hindi niya na namamalayan na naiihi na siya sa panty kapag nakikita niya ang lalaki. Isang araw ay nalaman na lang niyang engaged na pala ito sa isang batang babae. Pero kahit na gano'n ay nagawa pa rin siyang halikan nito. Ang akala niya ay may pag-asa nang makita rin niyang maihi sa pantalon si White. Pero anong gagawin niya kung isang pamilyar na linya ang maririnig niya mula sa lalaki? "Hinahalikan ko talaga ang kamay ng mga kaibigan kong babae kapag nami-miss ko sila." Gustong sumigaw ni Musika. Masyado ng overrated ang salitang friendzone sa mundo niya. Baka pwedeng lumipat na lang sila ng mundo ni White para malaya na siyang mahalikan nito at nang malaya na rin siyang makaihi sa panty niya tuwing kikiligin dito.
Detail lengkap