Hindi inaasahan ni Leo na mahuhulog siya sa dalagang si Elvira o Elvi. Isang dalagang nag aaral sa isang kolehiyo sa lungsod si Elvi. Mayumi, mestisahin, tsinita at maapeal. Hindi napigilang humanga ni Leo sa kanya kahit ang layo ng agwat ng edad nila. Ngunit hindi napigil nito na magkaroon ng palihim na relasyon ang dalawa. Maayos naman ang lahat sa kanilang dalawa nang dumating ang araw ng pagtatapos ni Elvi sa pag aaral. Tila dun nagsimula ang pagbabago sa lahat sa kanilang dalawa. Biglang dumalang ang pagpapalitan nila ng komunikasyon at para bang umiiwas na si Elvi sa kanya. Bakit nagkaganun? Tanong ni Leo sa sarili. Hanggang dumating ang araw na kinatatakutan ni Leo.All Rights Reserved
1 part