SI GENOVEVA Edroza-Matute, o mas kilala sa tawag na "Aling Bebang," ay isa sa pinakadakilang manunulat at kuwentista ng panitikang Filipino. Nagtapos ng Bachelor of Secondary Education major in English, master's, at doctorate degree sa UST, si Aling Bebang ay nagkamit ng iba't ibang parangal tulad ng Carlos Palanca Memorial Awards for Literature, Gawad Cultural Center of the Philippines para sa Sining (Panitikan), Republic Literary Awards ng National Commission for Culture and the Arts, at Lifetime Achievement Award para sa Panitikan na ginawad ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Ang sumusunod na kuwento ay base sa katauhan ng isang batang lalaki na naging estudyante ni Matute dati. Nagwagi ang akdang ito ng Palanca noong 1955.