LONG DISTANCE RELATIONSHIP...
Sa salitang yan.. unang papasok sa isipan natin ay ang salitang "MAHIRAP".
MAHIRAP.. kasi malayo sa taong minamahal mo.
MAHIRAP.. kasi hindi mo sila nakikita, nakakasama, mayayakap at mahawakan.
MAHIRAP.. dahil wala sya sa mga araw/oras na kailangan mo sya.
MAHIRAP.. dahil wala sya sa mga espesyal na araw sa buhay mo.
OO mahirap, pero marami pa rin ang sumusubok.
Isang relasyong kailangan ng wagas na PANG-UNAWA at walang hanggang TIWALA. Relasyong sumusubok kung gaano kayo katibay at kung gaano kayo nagmamahalan. Relasyong masasabi kong KUMPLIKADO para sa mga taong di marunong MAKUNTENTO.