When Sabrina Went Missing [SOON TO BE PUBLISHED]

When Sabrina Went Missing [SOON TO BE PUBLISHED]

  • WpView
    Reads 10,463
  • WpVote
    Votes 404
  • WpPart
    Parts 19
WpMetadataReadComplete Thu, Jul 17, 2014
WpInfo
Fiction
Mystery
Nagising akong mag-isa sa cabin namin sa beach resort na iyon. Pagdilat ng aking mga mata wala na sa tabi ko si Sabrina. Ilang beses kong tinawag ang kanyang pangalan pero walang sumagot sa'kin. Tumayo na 'ko mula sa kama at tinawag ko muli ang kanyang pangalan pero wala pa ring sumagot. Inisip ko na lang na nagising siguro siya ng maaga at naglakad sa dalampasigan. Dumiretso ako sa banyo para maghilamos nang mapansin kong may kakaiba sa paligid ko; isa lang ang toothbrush sa harap ng salamin. Bago kami natulog kagabi ay sabay pa kaming nag-toothbrush ni Sabrina at natatandaan kong dalawa ang toothbrush sa lalagyan. Binuksan ko ang maliit na tukador sa harapan ko at wala ang mga gamit ni Sabrina pangtanggal ng kanyang make-up. Hinanap ko ang iba pa niyang gamit sa may walk-in closet pero wala na rin ang mga ito. Lumabas ako at nagpunta sa may front desk para tanungin kung nakita nila si Sabrina pero lalo lang akong nanghina nang sabihin nila sa'king, "Mag-isa lang po kayong nag-check-in dito sir."
All Rights Reserved
#86
broken
WpChevronRight
Join the largest storytelling communityGet personalized story recommendations, save your favourites to your library, and comment and vote to grow your community.
Illustration

You may also like

  • Say You Love Me
  • Lost in the Woods ✔️ (COMPLETED)
  • When Forever Ends [SOON TO BE PUBLISHED]
  • Kissing Reese Santillan
  • the mafia's bet
  • SEDUCING THE QUEEN BEE-TCH
  • Mysterious University
  • Change Of Heart       (Atlas Ramirez)
  • WHEN SABRINA WENT MISSING TRILOGY [SOON TO BE PUBLISHED]

The confused woman looked pretty. Nakalugay ang wavy nitong buhok at nakabukas na nang bahagya ang ikalawang butones ng polo shirt na suot nito, partly exposing her breasts. Medyo maigsi din ang skirt na suot nito at bahagyang nakataas ang isang side niyon. She looked a bit flushed, siguro ay dahil sa dami na ng nainom. Ngunit mas gumanda lamang ito. Her lips looked as if its inviting him to grab her and kiss her wild. Ipinilig niya ang ulo. He could not believe he was ogling over another woman while dealing with a heartbreak. What is wrong with him? Bahagya siyang nagulat nang tumapon ang tingin nito sa kanya. She was caught off-guard. Gustuhin man niyang aalisin ang tingin dito ay hindi niya magawa. His eyes love the view. Inubos nito ang laman ng baso at biglang tumayo. She was mesmerizing to look at. Parang in slow-motion ang galaw nito sa kanyang paningin. Hindi niya alam ang gagawin nang mapagtantong papunta sa kaniya ang babae. "Sorry," anas nito bago siniil ng halik ang kaniyang mga labi.

More details
WpActionLinkContent Guidelines