Batchmates sila ni Edrice. Sila ay maibibilang sa mga halimbawa ng”so close,yet so far.” He is the heart trob of the school with the killer smile he wears. Guwapo at hinahangaan sa angkin niyang kakisigan. Kilala siya lahat ng mga estudyante lalo na ang mga kababaihan na paunahan pa sa pagbati sa kanya tuwing pumapasok ito sa paaralan. At ang ibang mga tinubuan ng kalandian sa murang edad,sa gate palang panay na ang rampa habang hinihintay ang kanyang pagdating. Ashlia.And she the smartest and toughest student. Pero never na binigyang pansin siya ng lalake dahil sa kanyang ‘simple beauty.’ Simpleng ganda. Hindi naman siya pahuhuli kung pagandahan,kaya lang dahil simple lamang ito kahit kabilang sa mayayamang angkan ay mas pinairal niya ang pagiging kuntento kung ano ang nakasanayan niyang ayos. Matalino siya at naniniwala na higit itong mahalaga kaysa ang panlabas na anyo. Bonus pa ang pagkakaroon nito ng mababait na magulang at ugaling maipagmamalaki niya.