Siyam na beses nakatakdang mabuhay si Boa, ang mortal na itinakdang gigising sa natutulog na dragon na si Naga- ang wawasak sa daigdig.
Minsan nang pinatunayan ng pag-ibig na higit siyang makapangyarihan sa lahat- maging kay Bathalang Maykapal, ang lumikha ng daigdig, ang hari ng lahat ng diyos at diyosa. Umibig si Bathala sa isang mortal na dalaga at nagkaroon sila ng tatlong anak na babae. Pumanaw ang dalagang mortal sa kaniyang panganganak at nagdulot ito ng labis na kalungkutan kay Bathala. Lingid sa kaniyang kaalaman ay may isang binatang mortal ang labis na nagmamahal sa dalagang mortal at nakahanda itong baliin ang tadhana upang maipaghiganti ang kamatayan ng dalaga. Habang iginugupo ng kalungkutan si Bathala ay siya namang paglakas ng pwersang lilipol sa sanlibutan.
Ilang libong taon, ilang salinlahi, nananatili pa kayang mas makapangyarihan ang pag-ibig? Paano kung sa kasalukuyang panahon, isa sa mga anak ni Bathala ang matuto ring umibig sa isang mortal? Paano kung isa sa kanila ang nakatakdang magbuwis ng buhay kasabay ng pagkawasak ng daigdig na kaniyang nilikha?
In the epic conclusion to the Devil's Deal series, Freya has one final chance to discover the full potential of her own power, and to use it to restore balance in the universe - once and for all. After the destruction caused by Roisin, Ferya and Torix come to terms with their losses and mistakes... And prepare for a final battle that will change everything.