Pangarap nating dalawa ang patuloy kong pinagsisikapan, dahil sayo kung bakit ko ito pinagpapatuloy, Ngunit bakit sa isang iglap bigla kang nawala? nawala na parang bula,? Ang dating pangarap nating dalawa, ngayo'y pangarap ko nalang mag isa. Pinipilit kong kalimutan ka pero hindi ko magawa, na bawat linya sa aking kanta, sayo ko nilalaan. Sa bawat taong sumisigaw sa akin. boses mo ang hinahanap ko. Nagbabakasakali akong isa ka sa mga taga hanga ko, na mula sa taas ng entablado,matanaw sana kita. At muli kong marinig mula sayo, ang salitang "Mahal na mahal Kita, Liza"