Babalikan Kita sa Taong 1896
12 capítulos Em andamento Sa Taong 1896, ang Pag-ibig ay Panganib
Sa gitna ng unos ng kasaysayan, isang dalagang nagngangalang Ysabel Villareal, nagmula sa malayong panahon ng taong 2025, ay pinipilit na buhayin at damhin ang nakalipas. Ngunit paano nga ba makikibagay sa isang daigdig na hindi iyo? Sa mga kautusan at paniniwalang hindi mo kinikilala, sa mga alituntunin ng lipunang itinatadhana sa isang babae na hindi ikaw?
Nakatadhana siyang ipagkaloob sa kamay ng isang lalaking hindi kilala, subalit ang kanyang puso ay nagagalak sa isang taong di nararapat pag-ibigin. Isang alipin sa liwanag ng araw, ngunit isang palaban at rebolusyonaryo sa kadiliman ng gabi.
Isang nilalang na nagmula sa hinaharap, naghahangad tumakas mula sa gapos ng kapalaran. Isang nilalang na nagmula sa nakaraan, handang isakripisyo ang lahat alang-alang sa prinsipyo at kalayaan.
Sa gitna ng himagsikan, lihim, at pag-ibig na lihim din sa lipunan, paano pipiliin ng dalawang pusong nagmamahalan ang isa't isa, kung ang mismong panahon ay tila kalaban?
Babalikan Kita sa Taong 1896.