"Ang ninuno mo ang magdadala muli sa iyo sa iyong nakaraan. Limang daan at labing tatlong taon na ang nakalipas ngunit hanggang ngayon ay nakatali pa rin sa'yo ang sumpa ng iyong ninuno" Wika ng Matanda. Ang sumpang ito at ang pagkakataon na ibinigay nang kaniyang ninuno ay ang bagay na hindi niya matatakasan sa kasalukuyan o kahit pa bumalik siya sa nakaraan. ***** Tatlong taon na ang nakalipas simula nang magkaroon ng isang hindi malimot-limot ni Saliya na Solar Eclipse, ang eclipse kung saan nagsimula ang panaginip ng mga tagpo ng kanyang nakaraan at ng Ginoong nagpatibok nang kanyang puso. Sa pagsisimula ng American Revolution ay nasubok ang kanilang pag- iibigan. At dahil sa hindi inaasahang pagpitik ng tadhana...Ang Ginoong nagmula sa kanyang nakaraan ay muli niyang makakasalamuha sa hinaharap. How if their path crosses 'Once Again'? Kung sila ay muling susubukin ng tadhana sa hinaharap, kakayanin kaya nila? O hahayaan nalang nila ang kanilang hindi ipinaglabang pag-iibigan? Samahan niyo ako sa naudlot nilang pag-iibigan na babalikan sa nakaraan at maipagpapatuloy sa hinaharap... HIGHEST RANK: #1 in Philippine History Date Started: Feb 9, 2019 Date Finished: [On-Going]