Isa lang akong ordinaryong babae. Isang dalagang may mapagmahal na lola at halos para saakin ang lahat ay perpekto na kahit na hindi kumpleto ang pamilya na meron ako.
Si lola na lang ang meron ako, siya ang lahat lahat saakin at di ko kakayanin kung mapapahiwalay ako sa kanya. Alagang alaga ako ni lola halos lahat ng saakin ay kabisado't alam niya. Bawat kurba ng katawan ko, bawat pangyayari saakin alam niya.
Sobra rin siyang protective at kung mag-alaga ng katawan ko'y akala mo katawan niya ang inaalagaan, minsan nga napapaisip ako bakit parang alagang alaga ako ni lola at lagi pa niya akong sinasabihan ng mga bagay bagay at minsan sinasabi niya na maging matapang daw ako at panatilihin ang pagiging puro at pagkabirhen ko. Minsan natatawa na lang ako sa tuwing napapaisip ako na para bang inihahanda ako ni lola sa isang bagay na maaaring mangyari, para bang hinahanda niya ako para sa pagdating ng isang taong kukuha at magmamay-ari saakin.
Ngunit natatakot ako, pano kung dumating talaga ang panahon na yon. Hindi ko alam kung kakayanin ko, hindi ko alam ang gagawin sa kabila ng pagturo at paghanda saakin ni lola.
Ang tanging magagawa ko lang ay ang hilingin na sana hindi
dumating ang araw na yon, ang araw na pwedeng mawala ang lahat saakin.
Want to ask me questions? See my behind the scenes? Even see my upcoming story sneak peeks?
Here you can request for a chapter read request as well as critique. There's even something better-talking to me about anything you want!