KASAL, ang araw na pinakamasaya sa buhay ng isang babae pero kabaligtaran ang nangyare. Kinidnap siya ng di niya kilalang lalaki sa mismong araw ng kasal niya, pinagsamantalahan at ikinulong sa isang mansyong hindi niya alam kung saan. Inangkin ang buong pagkatao niya ng isang halimaw na ano mang oras ay kayang kaya siyang saktan. Wala siyang magawa gustuhin man niyang makawala at makatakas dahil ang tanging kabayaran ng pagkakadukot sa kaniya ay kanyang buong pagmamahal. Magawa niya kayang mahalin ang taong dumukot at gumahasa sa kanya. Magkapuwang kaya sa puso niya ang taong kinamumuhian niya?