"Hindi dapat iikot ang kasiyahan mo sa iisang bagay, iisang dahilan, at iisang tao kasi lahat nagbabago, baka 'yong nagpapasaya sayo ngayon baka 'yon naman 'yong magpaiyak sayo, baka 'yon naman 'yong dudurog sayo." Naalala ko ang sinabi sa akin ni Drake, isa sa mga kaibigan ko. Tama nga siya kasi ngayong iniwan na ako ni Gavin pakiramdam ko pati 'yong mga dahilan ng kasiyahan ko naglaho din. Ako si Zyria Montefalco, isang simpleng babaeng nakatira sa lumang bahay na maraming lapat at sapot ang kisame, lumipat kami sa mas malaking bahay, sa paglipat namin doon ng nanay ko hindi lang pala kwarto ko ang magbabago kundi maging ang buong buhay ko... ang buong mundo ko ng dahil sa iisang taong kinamumuhian ko ng sobra sa umpisa pa lang ng estoryang 'to.