Louise Sevilla is a free soul with a hard shell. Kaya imbes na makapagtapos ng pag-aaral ay mas pinili niyang magtrabaho na at mag-ipon para matupad ang kanyang pangarap. Her only dream is to be capable of going anywhere she wants to or wherever her heart leads her. Wala sa kanyang bokabularyo ang umibig at ibigay ang buong buhay niya sa isang lalaki o sa kahit na anong bagay dahil tingin niya'y walang permanente sa mundo. Pero paano kung sa isang iglap lang ay umihip ang hangin papunta sa ibang direksyon? What if the wind brings her to a man who will change her life forever - to a life she once imagined? Mapipili pa rin ba niyang sundan ang hangin kung saan ramdam niya ang pagtibok ng kanyang puso?