Kung maririnig mo ang salitang cupid, ano ang maiisip mo? Siguro, isang anghel. Isang anghel na nagdadala ng pagmamahal sa mga taong pinapana niya.
Pero hindi lahat ng cupid, anghel. Minsan lumalakad lang yan sa eksaktong lupang nilalakaran mo. Hindi rin lahat ng cupid pumapana, ang iba madiskarte lang talaga sa pagsasalita. Ganyan si Akila Pilore, ang cupid ng Star Phoenix University.
Sinusulat lang ng mga babae ang pangalan ng lalakeng gusto nila at kakausapin lang ni Akila ang lalake at boom date na. Halos lahat ng kliyente niya success. Maliban nalang kung ang isusulat ay si Darylle James Hallente, ang campus prince at star player ng archery team na kinababaliwan ng three fourth ng population ng mga babae at bakla sa school. Oo, three fourth nalang dahil yung natitirang one fourth ay may karelasyon na dahil sa kanya.
Lagi nalang niyang kinakausap ang lalake pero sadyang hindi talaga nag wo-work out ang lahat ng babae kay Darylle. Napagdesisyonan nalang niyang hindi na tumanggap ng kliyente na ang gusto ay si Darylle. Until one day, tumawag ang bestfriend niyang si Liana na nasa NY naiiyak at broken hearted. Ani nito na gusto na nitong may pumalit sa kanyang broken heart at ang gusto nito ay si Darylle Hallente.
Dahil mahal niya ang bestfriend niya ay ginawa niya ang lahat para lang maging happy ulit ito. Napapayag niya si Darylle na itry na i date ito pagbalik sa Pilipinas, it was working out as planned pero hindi niya alam na may condition pala si Darylle. Na magpretend ito na girlfriend niya until dumating si Liana.
And as time goes by, parang napapana na ni Darylle ang puso niya. Bakit tila bumibilis ang tibok ng puso niya? Is this what happens to every girl who requested for Darylle? Or is this when cupid finally falls inlove?
credits to Lizzy's Graphics.
She also has a page kung saan pwede kayong magpagawa ng book covers niyo especially kapag isa rin kayong aspiring writer na di marunong gumawa ng cover kagaya ko.