Ang mamahalin ay hindi pinipili dahil kusa itong dumadating nang hindi natin inaasahan. Bawat isa sa atin ay may pinapangarap at gusto natin na makasama until last breath o yung tinatawag na IDEAL. Minsan nga, sinasabi pa natin na, " Gusto ko, mayaman, gwapo, mabango... " pero ang dumadating naman sa atin ay kabaliktaran. Sa dami ng tao sa mundo, hindi ka pwedeng pumili kung sino yung gusto mo. Dahil lahat ng tao, may tinadhana na makaka-pareha nila hanggang sa pagtanda nila. Tulad na lang ni Yumi na ilang beses ng nasaktan, pero hindi nya alam na may darating na lalaki sa buhay nya na hindi nya inaasahan na ito pa ang mamahalin at makakatuluyan nya sa huli. Ngayon, sabay-sabay nating basahin ang istoryang ito upang malaman natin kung paano nga ba nasabi ni Yumi na UNEXPECTED LOVE ang nangyari sa kanila ni Unknown Guy.