Para sa mga 'dre, naging Martyr Nievera. Hindi kawalan ang umiyak at maghabol para ipaglaban ang totoong naramdaman. Basta huwag lang pasobrahan. Magtira ng kaunti para panglasing 😂 😂 😂 ANG NAKALIMUTANG TAGPUAN (UGLY HEART) Pilit mang burahin ng karahasan ang sinulat nating masayang alaala. Pilit mang burahin ng galit ang mga tagpuang kinulayan nating dalawa. Pilit mo man kalimutan ang lahat. Pero hindi ako susuko, Paulit-ulit akong kakatatok sa'yong puso... Para ipaalala ko sa'yo, ang pag-ibig kong wagas at tapat. Ipaalala ko sa'yo ang binura ng karahasan. Ipaalala ko sa'yo ang ating tagpuan, Na tayong dalawa ang sumulat. Magkahawak tayo nang mahigpit sa iisang panulat. Ipaalala ko sa'yo, habang tayo'y nagsusulat... Walang ni isa sa atin ang bumibitaw, Para walang maliligaw. At nang wala sa 'tin dalawa ang makakuha ng pambura. Ipaalala ko sa'yo, sa bawat tagpuan na ating nilikha... Kalakip ang dalangin kay Bathala. Na sa bawat pinapakawalang salita, Hindi panloloko. Hindi panggaganso. Kundi, totoong pangako. Na ikaw at ako, Magkaroon ng TAYO; Sa walang kasiguraduhang dulo, Sa mapanghamong mundo. Pinipilit mong lumayo at mag-iba ng daan. Makaiwas lang sa ating tagpuan. Hindi ako susuko, gagawa't gagawa ako ng paraan... Sa bawat lugar mong pupuntahan. Sisiguraduhin kong lagi mong maalala ang ating tagpuan. Mahal na mahal kita. Ilalaban ko itong aking naramdaman. Hanggang sa aking huling hininga. Hanggang sa dulo ng walang hanggan.All Rights Reserved