Sa pag kakatanda ko ginawa ko ito noong 2015 at ngayong 2021 na, naisipan kong ipakita ito sa inyo. Dahil sa maikling istoryang ito, isang buhay ang nasagip. Kaya't sa tuwing naaalala ko ang sinulat kong ito, natatawa na lang ako dahil hindi ko na kilala ang taong sumulat nito. Ibang iba na ako ngayon, at gusto ko sana kayo rin. Alam ko na marami kayong pinag dadaanan sa buhay pero ang gusto ko lang na malaman nyo na, mag sulat lang kayo palagi dahil sa sulat nawawala ang sakit.
Huwag kayong mawawalan ng pag asa kung hindi kayo ang gusto ng taong mahal nyo dahil totoong hindi kayo pinag tadhana ng taong iyan sapagkat darating yung dapat na para sa iyo. Huwag kayong mag madali at lagi kayong mag pakumbaba dahil naniniwala ako na balang araw tatawanan mo na lang ang lahat ng iyan. At masasabi mo na lang na, hays salamat at andito ako.