Sa School, dyan madalas nagsisimula ang isang lovestory. Dyan madalas sa lugar na yan nagsisimulang magkaroon ng unang pag-ibig ang isang tao. Madalas kapag may type or may crush ang isang estudyante ang ginagawa nyan ay nagpapapansin. Yung mag-iingay siya, magiging makulit, meron pa yung ginagalingan sa lahat ng bagay para mapansin ng crush nya. Pero ibahin natin si Martian Jofer Montreal isang simpleng lalaki na walang ibang hilig gawin kundi ang maglaro ng mobile games, manuod ng anime, at kumain. Isang lalaki na maraming pangarap at maraming gustong gawin sa buhay. Tignan at sundan natin ang kanyang buhay kung may maidadagdag pa ba sa mga pangarap nya.