This is not a typical love story/Story. Hindi 'to pangkaraniwang storya na napanood n'yo na o nabasa n'yo na. Sa storya na 'to, halo halong emosyon ang pwede n'yo maramdaman. Patatawanin ka, paiiyakin, gugulatin, at iiwanan ka ng isang magandang aral na pwede mong dalhin sa tunay mong buhay. Lahat ng storya ay may aral. Maaaring minsan nasasabi mo na para bang wala kasi hindi mo tinignan ang kabilang side ng storya nito. We can learn by watching and reading. Maaari mong sabihin na, "Anong kakaiba dito? Eh pareho lang naman 'to sa mga nabasa at napanood ko na eh." Mali ka. Kakaiba ang storya na 'to. Alam mo kung bakit? Dahil sa storyang 'to, mapapasabi ka nalang na, "Sana hindi ko na pala 'to binasa. Nakakainis! Nakakapikon! Bakit ganun?." 'Yang mga bagay lang naman ang pwede mong masabi dito matapos mo 'tong basahin. Hindi ako spoiler. Hindi kita binibigyan ng hint o clue. Dahil storya ko 'to. Ang gusto ko lang sana, kahit hindi maganda at perfect ang storyang 'to... Sana matupad ko din ang pangarap ko. Pangarap ko kasi maging isang 'Writer' eh. I want to write about the story of my own life. So, ito na 'yun. Nagsisimula na 'ko sa pag-abot ng pangarap ko. Wait, Ako nga pala si Bal. Bal ako ni Noh. Galit sa'kin si Noh. Hindi ko alam kung bakit. Bakit kaya? Ah... Oo nga... Tama nga s'ya. Umalis ako.All Rights Reserved