Ano ba ang pakiramdam kapag may magmamahal sayo? Ang daming tanong na tumatakbo sa isipan ko kapag ang usapan ay pagmamahalan. Ang dami mo kasing kaaway e, una na doon yung Oras, pangalawa naman ay ang Panahon, at ang pangatlo ay yung sinasabi nilang Effort at Tiwala, yung bang tipo na lahat yan ang dapat mong gawin na dapat ay obligado ka sa mga yan. Pero minsan ay nakakabobo din ang pagmamahal, lahat gagawin mo para sa kanya, pati ata kaluluwa mo ay gagawin para lang sa kanya, yung bang hindi kana magtitira sa sarili dahil sa sobra mo siyang mahal pero kapag dumating na yung panahon na maririnig mo yung tatlong salita na "LET'S BREAK-UP" yan yung salitang na ayaw na ayaw mong marinig, daig mo pa ang namatay dahil sa sakit na nararamdaman mo, lahat nalang na makikita mo sa paligid ay idadamay mo sa sakit na nararamdaman mo, ni ayaw makipag-usap sa mga kaibigan o kamag-anak o di kaya'y magpapakalasing tas iisipin o itatanong sa sarili kung saan ba nagkulang, aalahanin yung mga magagandang alala na kasama siya. Lahat ay parte kung susubok o papasok ka sa isang relasyon. Pero, Paano kung One Sided Loved? Ano ba ang pakiramdam kapag ganun ang nangyari? A stand-alone novel