Si Izle Montemayor ay tagapagmana ng isang sikat na entrepreneur sa bansa na siyang nagpapatakbo ng isang malaking clothing company at isa sa mga shareholder sa isang corporate company na nagbibigay ng pinakamalaking shares. Dahil sa taglay nitong bait at talino ay di maikakailang siya nga ay isa sa mga top 5 young entrepreneur ng bansa. Sa kabilang banda naman.. si Ferdinand Bourne ay anak ng nagmamay-ari ng Bourne Corporation na isa sa pinakamalaking company sa buong bansa. Iniingatan ito ng magulang niya dahil sa kanya ito mapupunta balang araw. May taglay itong talino ngunit ubod naman ito ng sungit at suplado. Sikat ito sa kanilang unibersidad na siyang pinapatakbo ng magulang niya at dito rin niya makikilala si Izle na isang transferee student...