Story cover for He's from the Past (On-going) by kiruffuivy
He's from the Past (On-going)
  • WpView
    Reads 594
  • WpVote
    Votes 96
  • WpPart
    Parts 7
  • WpView
    Reads 594
  • WpVote
    Votes 96
  • WpPart
    Parts 7
Ongoing, First published Mar 13, 2019
Sunod sunod na tumulo ang luha sa kanyang mga mata, hinawakan niya ng mahigpit ang aking kamay. 

Mahal na mahal kita Estella... Wag na wag mo akong kalilimutan ako si Sandro tandaan mo mahal ko. 

Yan ang katagang binitawan niya bago tuluyang lamunin ng liwanag ang lahat.

Hinahabol ko ang aking hininga pagkagising ko. Yun ulit napanaginipan ko na naman ang lalaking yun. Ngunit ganun parin malabo parin ang kanyang mukha. Sino kaya ito at anong kaugnayan ko sa kanya? Urggh napakamot ako sa aking ulo. 

Hindi na ako makatulog kaya kumuha muna ako sa libro upang basahin. Naupo ako sa aking kama at pinamasdan ang libro aking nakuha. Tandang tanda ko pa nung binigay sa akin ito ng aming school librarian. Lumang luma na ito at hanggang ngayon ay hindi ko pa nabubuklat.

Dahan dahan ko itong binuksan, nakasulat at nakalarawan rito ang nakaraan ng Pilipinas. 

Nang mabasa ko ang unang Chapter ay napagpasyahan ko na itong ibalik dahil inaantok na uli ako. Ngunit habang binabalik ko ito ay nahulog ang nakatuping papel. 

Binuklat ko ito at binasa ang lilalaman Napa-upo ako sa gulat at napahawak ako sa aking bibig. Nangilid ang aking mga luha at unti unting remehistro sa akin ang mga katagang sinambit ng lalaki sa aking panaginip.
All Rights Reserved
Sign up to add He's from the Past (On-going) to your library and receive updates
or
#84melodrama
Content Guidelines
You may also like
Sa Harap ng Pulang Bandila by AorinRei
60 parts Complete
Babaeng nagmula sa kasalukuyan ang napadpad sa yugto ng himagsikan. Naroon lamang upang masaksihan ang bawat kaganapan, ang mga kamalian na tugma sa pangyayari ng modernong panahon na dapat iwawasto. Ang mga maling paniniwala na dapat iwaksi. Subalit kailangang alalahanin na walang mababago ni isa sa mga nangyari sa kasaysayan. Isinasaad sa panaginip na lahat ng matututuhan ay dadalhin sa kasalukuyan, ang dunong at kagitingan na magsisilbing armas, kasangga ang nag-aalab na damdamin ng pusong makabayan, ang siyang maghahatid tungo sa tunay na kapayapaan. Ako'y nasanay na sa takbo ng panahong ito, tulad na rin ng kanilang hangarin "Maaari po ba akong sumapi?" Sinong mag-aakala na hindi lang pala iyon ang aking makukuha. "Malamang ay bulag ang iyong mga nakakasamang tao sapagkat hindi nila makita ang iyong karilagan o marahil sila'y nabulag na dahil sa pagkasilaw sa iyong rikit." Kapwa namin batid na hindi tugma subalit nagsalitan pa rin kami sumpaan Kaniyang ipinagtapat na ang tunay na nadarama "Isang karangalan Ang maiharap ka sa pulang bandila Pangako, kailanman Mamahalin ko'y ikaw, wala nang iba" Ano ang mangyayari kung magiging malapit ang loob sa mga bayani ng nakaraan lalo na at alam na alam ang kahihinatnan ng mga ito? Tila panghuhuli ng agila ang dalawang magkatunggaliang panig na magdalo upang pagkaisahin ang mamamayan ng lupang tinubuan. May pag-asa pa bang ayusin ang pingkian ng kasalukuyan? Ako si Idianale, ang tagapagsalaysay ng tunay na kaganapan sa kasaysayan.
Tears of the Girl Named Sea (COMPLETED) by imunknownperson
32 parts Complete Mature
TEARS OF THE GIRL NAMED SEA "Sigurado kana ba? Wala ng bawian ito anak." Tumango ako pagkatapos ay sinara ang malaking maleta. "Wala po Dad. Salamat sa lahat." "You don't need to say thank you, that's what parents do." Huminga ito ng malalim. "Sandali lang tatawagin ko ang Mommy mo para matulungan ka sa pagiimpake." Dumating ang araw ng pagalis ko, malungkot akong nagpaalam sa magulang ko. Napagdesisyunan kong hindi gamitin ang ebidensiya at hayaan na ang hukuman ang humusga. Hindi na rin ako nakaattend ng huling hearing dahil tumapat ito sa flight ko. ---------- "Ma'am you want coffee?" Napabalik ako sa kasalukuyan ng magtanong ang flight attendant. "No, thank you." Sagot ko. Napasandal ako sa kinauupuan at napakagat sa labi ng maalala ang naging desisyon ko. Pinagisipan ko itong mabuti, inaral ko ang posibleng epekto nang magiging desisyon ko. At dun nga pumasok sa isip ko na itigil ito. Ang dami nang nadamay, nasaktan dahil sa galit ko. Iba talaga kapag galit ka, wala kang makialam kung sino ang matamaan, hindi ko man lang naisip na may pamilya silang walang kinalaman ngunit nasasaktan. Ayoko nang baguhin ang buhay nila dahil sa pagkakamali na matagal na nilang pinagsisihan. Hindi ako Diyos para magpasya sa kaparusahan nila, kung Diyos nga nagpapatawad paano pa kaya ako. Masaya akong nakilala sila, lalo na si Lucas binago niya ang buhay ko. Marami siyang tinuro sakin, siguro kung hindi ko siya nakilala nandun parin ako sa point na hinahanap ang sarili ko. He became my life, my everything. I loved him so f*cking much at umaasa akong magkikita ulit kami pagdating ng panahon. Kung hindi man... mananatili siyang parte ng nakaraan ko na hinding hindi ko makakalimutan. ⚠WARNING: PLAGIARISM IS A CRIME
You may also like
Slide 1 of 10
Sulat ng Tadhana  cover
Busaw 2: LORENZO, Ang Pagdayo cover
TOTGA (Candy Stories #4) (Published under Flutter Fic) cover
Change Of Heart (Atlas Ramirez)  cover
When Present Meets The Past(COMPLETED) cover
Sa Harap ng Pulang Bandila cover
Limang Minuto: Mga Liham para kay Ginoong Mabini ꞁ ✓ cover
Back To Life Again  cover
It was only just a dream (COMPLETED) cover
Tears of the Girl Named Sea (COMPLETED) cover

Sulat ng Tadhana

17 parts Ongoing

Paano kung isang araw . . . magigising ka na lamang bilang kontrabida ng isang istorya? At ano ang iyong gagawin sa oras na mahulog ang iyong kalooban sa kapwa mo antagonista? Hangad ng isang manunulat na si Marialunea Sae Caringal ang makalikha ng isang nobela. Ngunit sadyang lahat ng pangarap ay palaging may hadlang at para kay Lune, iyon ay ang writer's block na kaniyang nararanasan. Hanggang sa matagpuan niya ang isang librong magdadala sa kaniya papunta sa ibang mundo...patungo sa ibang pagkatao. At sa bagong mundong iyon ay makikilala niya ang taong magiging hamon sa kaniyang pananaw at prinsipyo na siyang kontrabida sa mismong kuwento-si Heneral Lejandro Almazan. Sa gitna ng kanilang tila walang hanggang bangayan, pag-ibig ba'y magbubunga? Paano kaya ipaglalaban ng dalawang antagonista ang kanilang pagmamahalan? Aayon ba sa kanila ang sulat ng tadhana? ---- Started: 12/26/24 Ended: -