“Lance, is it true that you’re gay?” Mia Sarmento a showbiz reporter asked the famous Rock Star. Biglang lumakas ang bulungan sa loob ng conference room. Lahat sila. ay hindi makapinawala na may nag lakas loob na magtanong kay Lance ng tungkol sa kanyang pagkatao. “All of your fans deserve to know the truth.” Dagdag pa ni Mia. Lalo pang lumakas ang bulungan ng mga tao. “Lance..” Hinawakan si Lance ng kanyang manager sa balikat. Hindi alam ni Lance ang gagawin sa mga oras na iyon. Para siyang nabilaukan kasabay ng malaming ba pawis na lumalabas sa kanyang katawan. Hindi niya alam kung saan galling ang tanong na iyon ni Mia Sarmiento. Kilala ang reporter na ito bilang isa sa mag masisispag na researcher at may accurate na sources. Kaya malakas ang kutob niya na.... na.... may alam ito sa totoo niyang pagkatao. “Mr. Lance Villa, we are all waiting for your answer.” Ulit na sabi ni Mia Sarmiento. Ito na ba ang katapusan ng kanyang karera bilang sikat na Rockstar?All Rights Reserved
1 part