Pinakiusapan si Lourd Vincent ng isang kaibigan na okupahan muna niya ang bahay ng fiancèe nito. Pero napansin niya, nababawasan ang kanyang stocks at parang parating makalat ang bahay kada uuwi siya galing sa trabaho. Na-solve lang ang 'misteryo' nang mamataan niyang patungo sa banyo ang isang magandang babae na halos hubad ang kaakit-akit na katawan. Mukhang pinagtitripan sila ni Marinella ng may-ari ng bahay. Nagsimula siyang dalawin ng maiinit na panaginip ukol sa seksing dalaga, patunay lang ng pangangailangang ginising ni Marinella sa katawan niya. Nakatutukso man ang sitwasyon, kailangan pa nilang maghintay ng sandali pang panahon bago makaalis sa bahay. Hiling lang ni Lourd Vincent, dumating na ang araw na iyon bago pa masaid ang kanyang self-control at tuluyan niyang gapangin ang magandang housemate...All Rights Reserved