Sa obrang nilikha ng bawat utak, tatangkilikin ang bagay na mabulaklak at mabango. Isa lamang patunay nito ang pagmamahal ng taong bayan sa pamilyang Divinagracia. Ang pamilyang Pilipino sa labas na anyo at Kastila sa ilalim ng bulkan. Kilala at isa sa pinakamakapangyarihan sa Pilipinas ang pamilyang Divinigracia. Ang pamilyang minamahal at hinahangaan ng buong bayan dahil sa mga pangako at ginawa ng pamilya para sa mga tao.
Katulad ng isang baril na walang tigil sa pagputok, sunod-sunod at walang mintis sa gobyerno ang bawat miyembro ng Divinagracia. Sila ang namuno noong may liwanag, at hanggang ngayon ay sila pa rin ang nararapat na mamuno lalo na't sumapit ang dilim. Kailangan ipagpatuloy ang nasimulan, mas lalong yayapusin ang kapangyarihan at malunod sa karangyaan. Isang kasa sa baril at isang misyon para sa natatanging babae ng Divinagracia, si Maria Malaya Divinagracia. Ang tinuturing na reyna at perlas ng bayan, babaeng tinitingala ng lahat sa kahit na anong aspeto. Ang humawak nang mahigpit at kalabitin ang gatilyo ang tanging paraan. Ngunit ang hinahangad na bagay ay makakamit sa isang putok ng baril, kung saan dugo ang magbabayad at buhay ang kapalit.
Narito na ang koronang gawa sa buto para ialay sa mahal na reyna, ngunit nasaan ka Malaya? Wala ka na ngang laya, dinamay mo pa ang bayan mo.
TOTGA (Candy Stories #4) (Published under Bliss Books)
54 parts Complete
54 parts
Complete
Engineering students Pfifer and Ivan know that what they have is something special. Without a proper label between them plus an ugly twist of fate, can they manage to be together in the end--or will they remain as each other's TOTGA and nothing more?
***
May feelings na laging nandiyan, nakaabang kung kailan magpapapansin. Nakaabang kung kailan ako titisurin sa mga pamilyar na kanta, lugar, at salita. Magpapaalala sa isang mukha na hindi ko naman gano'n kakabisado pero pamilyar. Magpapaalala sa mga dating pakiramdam.
Malalaman mo raw kung sino ang The One That Got Away mo kapag narinig mo 'yong salita at nakaalala ka ng iisang tao lang; nakatisod ka ng mga dating pakiramdam; nangulila ka sa mga nakaraang saya; nakaalala ka ng mga pamilyar na sakit.
Sabi, time heals wounds at distance makes one forget. Bakit parang hindi naman effective? Bitbit ko pa rin lahat ng what if. Hindi pa rin ako makatakas sa maraming sana.
Ako ba ang bumitiw o siya? Tapos na ba kami talaga?
Ang sarap magtanong kaso...wala nga palang kami noon.
Disclaimer: This story is written in Taglish.