Ang babaeng nagngangalang Angela Delos Reyes, isang dalagang Pilipina. Napakatalino at sakto lang ang ganda, yung tipong hindi nakakasawang tignan. Simula noong siya'y lumuwas ng Maynila upang doon mag-aral ng Kolehiyo. Nagsimula ang pagiging adik niya sa iniidolo niyang teen idol. Si Freid Coleman, isang napakasikat na artista sa henerasyon ngayon. Marami ang nababaliw sa kanyang mga babae. Pero ni isang babae, wala pang nagpapatibok ng puso niya. Nagkakajowa naman siya sa kapwa niyang mga artista pero talagang walang nakakakuha ng loob niya at nauuwi sa hiwalayan. Abangan natin ang ikot ng tadhana nina Angela at Freid.