Pebrero ika-13,taong 2018 Ang takdang araw ng pag-abandona sa kalunos-lunos kong buhay. Ang langit na karamay ko nang araw na iyon ay tumatangis mismo para sa kalunos-lunos na sinapit ng aking kapalaran kasabay ng pagbuhos ng ulan mula sa kalangitang lungkot lamang ang maipipinta Waring panakip sa mga luhang hindi ko na dapat pang iluha pa Pagkat matagal na nga akong bilanggo ng kalungkutan at masyado na akong maraming itinangis para dagdagan pa ang pagbaha nito sa kapaligiran ko. Isang kahihiyan ang pagluha sa harap ng kapalarang ako mismo ang pumili Ang direkstong tatahakin ko ay bunga ng aking mga desisyon, mga maling interpretasyon ng salitang kaligayahan. Ngayon heto ako sa gitna ng karimlan kung nasaan ang mga itinatago kong lihim na mga lungkot mga reklamo ,mga sumbat kung bakit ako nalilihis na sa direksyon ng masaya. Naririto ako't nakikipagsagupaan sa lakas ng bugso ng hangin, harap ng hagupit ng bagyo Kung saan ang latigo ng kidlat ng kalungkutan ang unti-unting kikitil ng aking buhay.kung nasaan ang pagdagundong ng kulog ng paghikbi't musika ng mga pagtangis. Ang lahat ng katapusan ay may kakambal na lungkot.ako si Sophystarlea Kiarra Zamora.ang babaeng inabandona't alipin ng masaklap na kapalaran . Sa haba ng nilakbay ko sa mundo ng pinaghalong lumbay ay di'ko inaasahang sa mundo lamang pala ng mga arabo ako mapapadpad. At ngayon ako ang bagong alipin ng pamilya Yu ang mga mababahong arabo.lalo pa't masangsang ang kanilang pag-uugali lalo na ang kamahalan nilang si King Trevor Hanzz Yu.ang haring may sariling depinisyon ng GWAPO sa sarili niyang panglan.ang lalaking hindi napapagod sa pagpuri sa kanyang sarili ,ang tanging haring nakilala ko na nagbubuhat ng sarili niyang trono upang maipahayag ang labis niya RAW na kakisigan at kagwapohan matututunan kaya ng kamahalang utot ang maligo't maglagay ng halimuyak sa kanyang kasuotan upang magkalapit sila ng kanyang alipin? O mamamatay si Sophie aa kabantutan ng kanyang amo. perpetual_ignoramusAll Rights Reserved