Tagalog Spoken Word Poetry. Nasanay ka sa mga kaibigan mo, isang araw Tila kinalimutan ka nila Pero hindi Naging abala na lamang sila sa kanilang pag-aaral tapos trabaho Ang mga nanligaw noon sayo Hindi ka handang magkanobyo kaya inayawan mo sila ngayon may mga pamilya na sila ang iba, may mga nobya na .... Pero kahit na Ayos lang yan. Ang mga pangarap mong tila kay layo Tila walang silbi ang mga paghihirap mo Pero di ka dapat tumitigil sa pangangarap Kaya mo yan. :)