Ako si Miya Claire Alvarez, Ang sabi nila ako daw si kupido kasi lahat daw ng gusto kong ipagtagpo nag kakatuluyan, pero hindi ako si kupido o kung sino man. Wala din akong kapangyarihan ng pag mamahal at wala akong ideya kung bakit nag kakatuluyan ang mga taong gusto kong ipagtagpo. Para sa akin isa lang yung hindi inaasahang pangyayari. Hindi ako madaling mainlove pero mabilis akong masaktan at mainis.. Maraming nag tatanong sa akin kung bakit ang galing galing kong pumili ng makakapares ng iba samantalang para sakin hindi ko magawang pumili ng para sa akin. Hanggang sa makilala ko si Hanzo Seville. Hindi maganda ang unang pagtatagpo namin pero may kakaiba na akong nararamdaman para sa kanya. Ngunit hindi ko maramdaman ang kilig at saya katulad ng sa mga taong napipili kong imatch. Malakas ang kabog ng puso ko sa tuwing nasa malapit siya. Pero di ko nararamdaman na nakamatch siya para sa akin... Ano ba itong nararamdaman ko? Pag-ibig o Isang simpleng pag hanga? Ipagtatagpo lang ba kami pero hindi itinadhana?