Hindi ko alam kung bakit pa kailangan na may magbantay sa akin kaya ko naman ang sarili ko. "Zia aalis na tayo,Bilisan mo jan kanina pa ko nag-hihintay dito oh!" Sigaw ng bwisit na lalaki na yun "Pwede bang maghintay ka lang,bodyguard lang kita kaya wag mo kong madaliin dahil wala kang karapatan!"Sigaw ko naman sa kanya. Lumapit sya sa akin at tinitigan ako. "Baka nakalimutan mo hindi lang ako bodyguard mo kundi isa rin akong pulis."Maotoridad nyang sabi. "Edi umalis ka kung ayaw mong natatapakan ang pagiging pulis mo hindi ko naman kailangan ng magbabantay sa akin!"matapang kong sagot sa kanya. "kung pwede nga lang eh matagal ko ng ginawa,pero hindi pwede dahil tungkulin ko iyon" "Ano ba ang dahilan at kailangan mo pa akong bantayan?"tanong ko sa kanya. "Bakit ko naman sasabihin sayo,close ba tayo?"pang-iinis nya sa akin sabay layo sa akin. "Hindi ko ba pwedeng malaman?"kunyaring paawa ko sa kanya. "Hindi pwede!Bilisan mo na nga at makaalis na tayo"Sabi nya.Pero nabwisit lalo ako sa sunod nyang sinabi. "Maligo ka muna bago tayo umalis,Ambaho mo na eh!" Sabay labas ng kwarto ko. "JACOB FUENTES,HUMANDA KA SAKIN!"Galit kong sigaw sa kanya at padabog kong sinara ang pintuan ng kwarto ko. Siya si SPO1.JACOB FUENTES.Siya lang naman ang BODYGUARD ko at siya ay isang Pulis.Tous Droits Réservés
1 chapitre