"Misyon mo ay pangalagaan sya, tandaan nyo magka-ugnay kayong dalawa." Sabi ng diwatang may berdeng mga mata sa diwatang naka-luhod sa harapan nya. Ini angat naman ng diwata ang ulo nya at agad na masisilayan ang mga mata nyang kulay ube. "Masusonod po Inang diwata." Wika nito ng may pag galang. Isang misyon na magiging dahilan ng pagkabonyag sa katotohanang matagal nang kinalimotan, katotohanang magiging balakid sa dalawang nilalang na nag mamahalan, pati narin sa pagkawasak ng pagkakaibigang ibinokod ng tadhana.