Isang home-school na binata si Gabrielle Saguilla, hindi pa niya naramdaman ang makisalamuha sa maraming tao sa tanang buhay niya. Tanging ang kanyang ama lamang at ina kasama ang tapat nilang butler na si Mr. Willstone ang kanyang nakakasama at simula noong bata pa siya hanggang ngayon, isa lang ang kanyang pangarap, ang masilayan ang ganda ng mundo hindi lang sa telebesiyon kung hindi rin sa totoong buhay, sa labas ng kanilang bahay.Isang rason, kung bakit hindi si Gabrielle pinalalabas ng bahay ay dahil, ang batang ito ay merong nakakamanghang katalinuhan na hindi kayang tumbasan ng ninuman. Tulad ng isang tingin lamang sa isang aklat, kahit hindi pa niya ito nabubuklat at nababasa, alam niya na at kabisado niya na ang nilalaman nito. Ang talentong ito ay tinatawag na Remote Viewing, na higit mas advance sa photographic memory. At kaakibat ng katalinuhang meron siya, sa tuwing lubusan ang kanyang pag-iisip o naaabutan siya ng pagkagutom, bigla lamang siyang nagbre-brain shutdown, na kung saan sa loob ng ilang araw, patay ang kanyang utak at tanging puso lamang ang bumubuhay, sa madaling salita, natural na sa kanyang magulang ang kasong brain death sa kanya. "Kahit matalino ako, tao parin ako at isang regalo para sa akin ang pagiging imperpekto ko." ~ Gabrielle Saguilla