Natagpuan niyang muli ang sarili na tumatakbo pabalik sa kagubatan. Sa ibang dahilan, pero parehas na pakiramdam. At kung anong dahilan? Hindi niya matandaan. Ang liwanag ng buwan na nagsisilbing gabay niya patungo sa pinagmulan. Sino nga ba? Sino ang pangalang nakaukit sa mga bato? Kaninong pangalan ang dating sinasamba ninyo? "Ako ang pinakaimportanteng diyos sa lahat ng mga diyos n'yo. Ngunit bakit ako ang kinalimutan n'yo." wika niya.